Ad Grants
646%
pagdami ng mga online na donasyon
Hanggang 5,000
mas maraming bisita bawat buwan
Hanggang 300,000
page view bawat buwan
Ang Caritasverband Frankfurt e. V. (Caritas Association Frankfurt) ay itinatag noong 1901 at nagpapatakbo sa buong metropolitan area ng Frankfurt bilang mapagkawanggawang organisasyon ng Simbahang Katoliko. May kabuuang 1,600 empleyado at humigit-kumulang 2,000 boluntaryo ang nagbibigay ng iba't ibang uri ng serbisyong panlipunan at tulong para sa mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng mahigit 100 pasilidad at serbisyo.
Ang Caritasverband Frankfurt ay nakatuon sa isang lipunang nakabatay sa pakikiisa at pagmamalasakit, at nagnanais na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga paksa ng kahirapan at kawalan. Ang kawanggawa ay umaasa sa mga online na donasyon para pondohan ang mga gawain nito. Tumutulong ang Google Ad Grants sa nonprofit na organisasyon na maging kilala, makahimok ng mas maraming bisita sa website nito, makatawag ng pansin sa mga lugar ng aktibidad nito, at maparami ang mga online na donasyon.
Ang budget sa pag-advertise na ibinibigay ng Google Ad Grants ay ginagamit ng Caritas sa isang naka-target na paraan para i-promote ang pagbibigay ng mga online na donasyon at mag-advertise ng mga bukas na posisyon. Gamit ang mga naka-target na Ad Grants campaign, naaabot ng asosasyon ang mga taong gustong tumulong sa mga nangangailangan, at mga taong naghahanap ng trabaho, sa tamang panahon, at matagumpay nitong nahihikayat ang mga taong ito na magbigay ng donasyon o mag-apply.
"Hindi madaling gawain ang manghikayat ng mga online na donasyon," paliwanag ng Marketing Manager na si Christopher Franz. "Sa kabutihang palad, matagal-tagal na kaming bahagi ng programang Google Ad Grants. Sa paraang ito, kapansin-pansin naming napahusay ang kakayahan naming mahanap sa internet at napalaki ang mga kita namin mula sa mga online na donasyon." Mabilis na nakatulong ang Ad Grants sa organisasyon, "Nang may malaking bilang ng mga refugee ang dumating sa Frankfurt sa katapusan ng 2015 na nangangailangan ng mabilisang tulong, nagsimula kami ng katumbas na campaign para sa fundraising sa pamamagitan ng Google," salaysay ni Franz. "Kaya't naroon kami, nang may tamang mensahe, sa tamang panahon, sa tamang channel, at mabilis kaming nakabuo ng malalaking mapagkukunan." Kumpara noong 2010, naparami ng Caritas ang mga online na donasyon nito nang 646% noong 2015 at mas mahusay nitong naipakita sa publiko ang pagkakawanggawa nito. Bukod pa sa Google Ad Grants, nagpaplano ang organisasyong gumamit ng iba pang tool ng Google sa hinaharap, para lalo pang makatawag ng pansin sa mga suliranin at para hikayating magbigay ang mga tao.
“Na-promote namin ang pagkakataong makapag-donate online gamit ang programang Google Ad Grants. Mula noon, lubos naming napalaki ang aming kinikita mula sa mga donasyon. Partikular na naging kapansin-pansin ang paglaki sa seksyong ‘Help for Refugees’.”Michaela Jacobsohn, Fundraising and Donation Management