Ad Grants
87K
pag-click sa website
2K+
conversion
Ang Fred Hollows Foundation ay isang organisasyong matatagpuan sa Australia na may adhikaing wakasan ang naiiwasang pagkabulag at pagbutihin ang kalusugan ng mga katutubo. Higit 200 milyong tao sa buong mundo ang bulag o may problema sa paningin at kadalasan, maaari itong malunasan sa pamamagitan ng simpleng pamamaraan. Gayunpaman, maraming tao ang walang mapagkukunan ng de-kalidad na tulong. Nakatuon ang Foundation sa pagbibigay ng mga komprehensibong paggamot para sa iba't ibang kundisyong nagdudulot ng mga ganitong problema at tumutulong na pagandahin ang kalidad ng pamumuhay para sa libu-libong tao.
Ang Fred Hollows Foundation ay naglalayong bigyang-kaalaman ang publiko tungkol sa kalusugan ng mata bilang isang mahalagang layunin sa pag-unlad. Ginagamit ng organisasyon ang kanilang Ad Grants account at may bayad na Google Ads account para palawakin ang kaalaman, magdala ng trapiko sa kanilang website at mga event para sa pagkakawanggawa, at paramihin ang mga online na donasyon.
Na-maximize ng Fred Hollows Foundation ang epekto ng kanilang online marketing sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang Ad Grants account gamit ang isang hiwalay na bayad na Google Ads account. Ginagamit ng Loves Data - ang kanilang ahensya para sa digital na marketing - ang $2 na CPC ng kanilang Ad Grants para mag-target ng mga hindi masyadong mahusay na keyword, at nagbi-bid ito sa mga mas pangkalahatang keyword na maraming trapiko sa kanilang bayad na Google Ads account. Nagbibigay-daan din ang bayad na Google Ads account sa The Fred Hollows Foundation na sulitin ang mga feature na hindi available sa Mga Tagatanggap ng Grant tulad ng remarketing at Google Display Network. Sa pamamagitan ng remarketing, maaabot ng organisasyon ang mga user na bumisita sa kanilang website sa mahahalagang punto sa kanilang mga marketing campaign sa hinaharap. Ina-update din ng The Fred Hollows Foundation ang content sa kanilang website batay sa mga keyword na may mataas na volume sa dalawang Google Ads account nila para manatili silang may kaugnayan.
Sa loob ng 2013 fiscal year, nag-ambag ang Google Ad Grants account ng halos 15% ng mga online na donasyon ng organisasyon at nakatulong itong magbigay-daan sa The Fred Hollows Foundation na makuha ang mga resource para makumpleto ang mahigit 4.5 milyong operasyon sa mata, procedure, at paggamot. Ang Ad Grants account ay nagdala ng higit 87,000 pag-click at 2,000 conversion sa loob ng 12 buwan at nagbibigay sa organisasyon ng platform para subukan ang pagiging epektibo ng iba't ibang istruktura ng campaign at copy ng ad. Inilalapat ng The Fred Hollows Foundation ang mga natutunan nito mula sa kanilang Ad Grants account sa kanilang bayad na Google Ads account, isang istratehiyang nag-ambag sa kanilang pagkapanalo ng Australian Charity of the Year award noong 2013.
“Ang aktibong pamamahala sa account at paggamit sa platform ng Ad Grants at bayad na Google Ads ay nagbigay-daan sa aming makuha ang katumbas ng 5 beses ng epekto ng stand alone na Ad Grants account.”Aisling Wallace, Head of Digital Accounts, Loves Data